Walang mapagsidlan ng tuwa at galak ang pamunuan ng Brgy. San Rafael Centro sa pangunguna ni 𝐊𝐚𝐩 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐁𝐢𝐛𝐚𝐭 dahil sa walang patid na pagmamahal na ipinapadama sa kanila ni Mayor Alice sa pamamagitan ng patuloy na pagtulong nito para sa kinakailangang mga proyekto katulad nga ng road concreting at maging sa instalasyon ng tiles para sa kanilang barangay hall.
Dahil sa kakulangan ng budget na iniinda ng halos lahat ng kabarangayan ay nagpapasalamat sila sa napakalaking tulong na patuloy na ibinibigay ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas.
Sa road project ng Brgy. San Rafael Centro kasama ang instalasyon ng tiles sa barangay hall nito ay hinandugan natin sila ng mga sumusunod na mga construction materials: 203 bags of Portland Cement, 4 truckloads of Screened Sand, 8 truckloads of ¾ Screen Gravel, 96 pieces 40×40 Glazed Tiles, 6 bags of Tile Adhesive, 5 packs of Tile Grout, plus additonal 3 bags of Portland Cement.
Bilang ina ng ating bayan ay lagi po tayong naglalaan ng pondo na puedeng isuporta sa mga proyekto ng ating kabarangayan dahil alam nating hindi sapat ang kanilang budget upang masolusyunan ang mga problema at suliraning kanilang kinakaharap. Tandaan n’yo po na lagi po lamang kaming nandito para sa inyo, para sa kapakanan ng ating mga minamahal na nasasakupan.
~𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙
#SupportForProjectsInBrgySanRafaelCentro
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride