Tuloy-tuloy ang pagsasaayos ng mga daan sa bayan ng San Nicolas at tuloy-tuloy din ang pagpapalawig pa ng mga road projects natin upang mabiyayaan ng maganda at maayos na daan ang ating mga mamamayan.

Sa pagpapatuloy po ng ating mga proyektong katulad nito ay binisita ko ang road concreting sa Sitio Bacolodan ng Brgy. San Jose at tayo po ay natutuwa dahil may panibago na namang maayos na daan ang ating naipagawa sa pakikipagtulungan natin sa pamunuan ng barangay sa pangunguna ni 𝐊𝐚𝐩 𝐑𝐨𝐠𝐞𝐥𝐢𝐨 𝐅𝐞𝐫𝐫𝐞𝐫. Sa proyektong ito ay naghandog po tayo ng mga sumusunod na mga materyales: 244 bags of Portland Cement, 5 truckloads of Screened Sand, at 10 truckloads of Screened Gravel.

Hindi po tayo magsasawang tumulong at sumuporta sa ating kabarangayan upang patuloy nating maisaayos ang mga pasilidad na pakikinabanagan ng ating mga mamamayan.

~𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙

#NonStopSupportToBarangays

#AnotherRoadProjectInBrgySanJose

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon