Sa araw na ito noong 1888, 20 kababaihan sa Malolos, Bulacan ang nagharap ng petisyon kay Gobernador Heneral Valeriano Weyler ng Espanya na humihiling sa kaniya na pagbigyan ang kanilang kahilingan na magbukas ng isang βnight schoolβ para sa mga kababaihan sa tahanan ni Rufina Reyes upang matuto ng wikang Espanyol sa ilalim ng pagtuturo ni Teodoro Sandico.
Ang mga matatapang na babaeng ito ay sina Cecilia Tiongson, Merced Tiongson, Aleja Tiongson, Agapita Tiongson, Filomena Tiongson, Paz Tiongson, Feliciana Tiongson, Anastacia Tiongson, Emilia Tiongson, Basilia Tantoco, Teresa Tantoco, Maria Tantoco, Rufina Reyes, Leoncia Reyes, Olimpia Reyes, Juana Reyes, Elisea Reyes, at Alberta Uitangcoy.
Ang paaralan ay pinayagang magbukas noong Pebrero 1889, ngunit sa kondisyon na ang mga klase ay gagawin sa araw at sa ilalim ng pangangalaga ni Guadalupe Reyes.β
#OnThisDay#RememberLoveLearnHistory#TwentyBraveWomenOfMalolos#12December1888#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride