Muling nahalal bilang pangulo ng Liga ng mga Barangay (LnB)β€”San Nicolas Chapter si PB Jason Ramirez at manunungkulan bilang ex-officio member ng Sangguniang Bayan ng San Nicolas.

Nanumpa siya kasama ang mga bagong halal na mga opisyal at board of directors ng LnB sa harap ni Mayor Alice sa San Nicolas Municipal Hall.

β€œBilang organisasyon, mahalaga ang aming tungkulin dahil magsisilbing venue ang liga para sa 33 barangays na makabuo ng mga polisiya at programa, talakayin at bigyang solusyon ang mga isyung nakakaapekto sa mga barangay at mga residente nito,” saad ni PB Ramirez.

Ang mga nahalal na opisyal ng LnB ay sina PB Cesario Ramirez bilang Vice President, PB Pepe Valencia bilang Secretary, PB Mamalyn Rodillas bilang Treasurer, at PB Danilo Serios bilang Auditor habang uupong Board of Directors naman sina PB Danilo Serios, PB Filipino Bibat, PB Teodoro Espiritu, PB Murphy Estrada, PB Noel Ortiguero, PB Melba Vistro, at PB Steve Cabacungan.

Matatandaang binigyang pugay si PB Ramirez ng Philippine Councilors League-Pangasinan Chapter nito lamang Nobyembre sa Tagaytay City sa kaniyang β€œmeritorious public service” bilang LnB President mula 2018-2022.

#LigaNgMgaBarangay#ReelectedPresident#CongratulationsLnBPresJasonRamirez#ExOfficioMember#OathTaking#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon