Wala mang mahiwagang lampara at Genie, natupad ang kahilingan ng mga residente ng San Rafael West nang sila’y pagkalooban ng pinapangarap nilang footbridge at dike dahil kina Cong. Marlyn Primicias-Agabas at Mayor Alice.

Pinangunahan ni Rev. Fr. Farley Castro ang blessing sa mga nasabing proyekto na naglalayong magbigay kaligtasan sa mga residente na tumatawid sa Agno River at bilang proteksiyon na rin tuwing umaapaw ang tubig sa ilog dahil sa bagyo at matinding pag-ulan.

β€œNang manalasa ang Typhoon Ondoy, lumubog ang kanilang lugar dahil wala pa silang dike protection. Ang pamahalaang lokal ng San Nicolas ang nagbigay ng pondo sa footbridge. Nagpapasalamat tayo kay Cong. Marlyn sapagkat pinondohan niya ang dike upang hindi na maulit ang malagim na pangyayaring iyon,” saad ni Mayor Alice.

Kasama nina Cong. Marlyn at Mayor Alice sa nasabing programa ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Alvin Bravo at ang barangay council sa liderato ni PB Pepe Valencia.

#Footbridge#DikeProtection#SanRafaelWest#CongresswomanMarlynPrimiciasAgabas#TogetherWeServe#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon