Dahil sa matibay na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas sa pamumuno ni Mayor Alice bilang MDRRMC Chairperson na tiyakin ang kaligtasan at kagalingan ng mga mamamayan nito sa harap ng mga potensyal na sakuna, nasungkit ng bayan sa unang pagkakataon ang prestihiyosong Gawad Kalasag Seal of Excellence mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Kinilala bilang βFully Compliantβ at nakakuha ng kahanga-hangang rating na 2.28 para sa kategoryang Local Disaster Risk Reduction and Management Councils and Offices, ang Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office sa ilalim ng pangangasiwa ni LDRMO III Shallom Gideon Balolong ay nagpatunay sa hindi natitinag na dedikasyon at pagsusumikap ng bayan sa pagpapatupad ng disaster risk reduction and management measures.
Ang pagkilala ay isang testamento sa pagtataguyod ng LGU San Nicolas sa mga pamantayang nakabalangkas sa Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, na kilala rin bilang Republic Act No. 10121.
#GawagKalasagSealOfExcellence#FullyCompliant#SanNicolasMDRRMO#AlwaysThereForYou#CongratulationsLGUSanNicolas#CongratulationsLDRMOShallom#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride