Binigyang-diin ni Mayor Alice ang kahalagahan ng sports sa buhay ng mga manlalaro sa kaniyang mensahe sa Municipal Meet 2024 ng San Nicolas District I at II nitong Huwebes, Enero 4.

Ayon sa alkalde, maaaring matuto ang lahat ng athletes sa sports dahil itinuturo nito ang maraming mahahalagang aral sa buhayโ€”disiplina, pokus, dedikasyon, pagsusumikap, at pagtutulungan ng magkakasama.

“Huwag tumutok sa pagkapanalo o pagkatalo, ngunit pahalagahan ang sportsmanship. Ang layunin ng sportsmanship ay upang ituloy ang tagumpay nang may karangalan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pinakamahusay na pagsisikap sa bawat laro, manalo man o matalo,” saad ng alkalde.

Samantala, siniguro naman ni Mayor Alice na patuloy niyang susuportahan ang Kagawaran ng Edukasyon laloโ€™t ramdam na ramdam ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ang napakagandang collaboration nila katuwang ang mga magulang, guro, school heads, at district supervisors sa mga programang makatutulong sa mga mag-aaral.

#MunicipalMeet2024#SportsDevelopment#SanNicolasDistrictIandII#Sportsmanship#Discipline#Focus#Teamwork#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed