Sa loob ng 40 na araw, nagsanay ang mga kababaihan mula sa Kalipunan ng Liping Pilipina sa paggawa ng tote bags bilang bahagi ng pinagsanib-puwersang proyekto ng Department of Labor and Employment at LGU San Nicolas.
Pinondohan ng 1.7 milyong piso ang proyekto ito upang mabigyang halaga at palakasin pa ang mga kababaihan sa San Nicolas at mabigyan sila ng kakayahang kumita at makapag-ambag sa kani-kanilang pamilya.
βKaisa ng bawat San Nicolanian ang lokal na pamahalaan sa pagsulong ng kahalagahan ng papel ng kababaihan tungo sa pag-unlad ng ating lipunan,β saad ni Mayor Alice.
Nagsanay ang mga kababaihan mula Oktubre 2 hanggang Disyembre 1 sa pangunguna ni Miss Regina Galitane.
#KalipunanNgLipingPilipina#ToteBagMaking#DOLE#LGUSanNicolas#WomenEmpowerment#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride