Sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program nina Sen. Pia Cayetano at Sen. Alan Peter Cayetano sa pakikipag-ugnayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), naghatid ng pag-asa sa mga residente ng San Nicolas, Pangasinan ang tulong pinansyal na ipinagkaloob ng magkapatid na senador upang makapagsimula ng kanilang sariling negosyo.
Tumanggap ng P15,000 ang 195 benepisyaryo ng programa sa isang pagtitipong idinaos sa Municipal Auditorium na dinaluhan mismo nina Calvine Evangelista, political affairs officer ni Sen. Alan Peter; Gene Pahati, representative ni Sen. Pia; DSWD Regional Program Coordinator Chad Everett Llanes; Provincial Coordinator Ronald Gabriel; at Capability Building Officer Francis Bustamante.
Nagpaabot naman ng mensahe si Sen. Pia na umaasang mapapalago ng mga benepisyaryo ang kanilang negosyo at makapagbigay din ng pag-asa sa iba upang makatulong na maiangat ang buhay ng nakararami.
#SustainableLivelihoodProgram#AlwaysCayetano#SampungLibongPagAsa#SenatorPiaCayetano#SenatorAlanPeterCayetano#SulongKabuhayanTulongSaPagyabong#FinancialAssistance#BawatBuhayMahalagaSaDSWD#HanapBuhayParaSaSanNicolanians#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride