Dahil sa nangyaring forest fire sa Malico kamakailan, nagkaroon ng pagpupulong ang pamahalaang lokal ng San Nicolas at National Power Corporation (NPC) upang maiwasan at mapagplanuhan ang posibleng forest fire sa San Roque Watershed Forest Reserve kasama na ang nasasakupan ng bayan ng San Nicolas.
Bilang Section Chief ng San Roque Watershed Area Team, naniniwala si Ellenor Perez na mahalagang matukoy ang mga fire prone areas kasama na ang mitigating measures, fire incident command system, at forest fire management action plan na susi upang agarang maaksyunan ang nasabing sakuna.
Binigyang diin naman ni Mayor Alice ang pagkakaroon ng mabisang komunikasyon, koordinasyon, pagtutulungan, at agarang aksyon upang labanan ang forest fire lalo pa’t malapit na muling magsimula ang tag-init.
#ForestFirePreventionPlans#ForestManagement#StayAlert#KeepingSanNicolaniansSafe#MayorAliciaPrimiciasEnriquez
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride