โ„๐“€๐’ถ๐“Œ ๐“…๐’ถ ๐“‡๐’พ๐“ƒ ๐’ถ๐“ƒ๐‘” ๐“…๐’พ๐“…๐’พ๐“๐’พ๐’พ๐“ƒ ๐“€๐‘œ๐“ƒ๐‘” ๐“‚๐’ถ๐’ฝ๐’ถ๐“๐’พ๐“ƒ

๐’ฎ๐’ถ ๐“ˆ๐“Š๐“ˆ๐“Š๐“ƒ๐‘œ๐’น ๐“ƒ๐’ถ ๐’ฝ๐’ถ๐’ท๐’ถ๐“ƒ๐‘”๐’ท๐“Š๐’ฝ๐’ถ๐“Ž.

Napakasayang makita at marinig mula mismo sa mga magsing-irog ang kanilang pangako na pipiliin nilang mahalin ang isaโ€™t isa hanggang sa susunod na habangbuhay. Napuno nga ng pag-ibig ang Agpay Eco Park nang sabay-sabay na nag-โ€œI doโ€ ang 25 na pares ngayong Araw ng mga Puso.

Walang katumbas ang kanilang mga ngiti at saya nang humanga sila sa ating preparasyon para sa isang espesyal at kakaibang kasalan sa kasaysayan ng bayan ng San Nicolas. Inihanda natin ang lahatโ€”bouquet, brooch, ring, aras, photos, souvenirs, at buffet lunchโ€”nang may pag-ibig upang makapagsimula sila nang may ngiti sa kanilang puso sa kanilang panghabambuhay na pagsasama bilang mag-asawa.

Hindi rin matatawaran ang dedikasyon ng mga tao sa likod ng masayang araw na ito kung kayaโ€™t nais ko ring kunin ang pagkakataong ito upang pasalamatan ang lahat ng bumubuo ng technical working group.

Maraming salamat sa maayos na koordinasyon ng Local Civil Registry Office sa pangunguna ni Sir Payol Fabro, sa leadership ni Sir Gerald Paragas at ang Municipal Tourism Office, sa napakaganda wedding photos mula sa Francis Portraits, kay Mam Corazon Doton at Krystala de Corazon Spiritual Resort and Waterparks para sa kanilang quality catering services, sa creative ideas ni Sir Jeff Aquino na nag-ayos ng ating wedding venue, sa lahat ng staff ng Mayorโ€™s Office, ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Philippine National Police, at lahat ng force multipliers na naging daan upang maging matagumpay ang okasyong ito.

Bilang ina ng bayan, dalangin ko ang matiwasay at masayang pagsasama ng lahat ng mga nagkaisang-dibdib ngayong Pebrero 14. Nawaโ€™y ipaalala lagi ng Agpay Eco Park na minsan sa inyong buhay nangako kayo sa harap ko at sa buong bayan na mamahalin ninyo ang isaโ€™t isa hanggang sa susunod na habangbuhay.

~๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐€๐ฅ๐ข๐œ๐ข๐š ๐‹. ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฌ-๐„๐ง๐ซ๐ข๐ช๐ฎ๐ž๐ณ

#CivilMassWedding#NatureWedding#WeddingInAgpayEcoPark#AgpayEcoPark#YesIDo#Commitment#Communication#Compassion#Christ#ValentinesDayWedding#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon