๐๐ก๐๐ค๐ข๐ง๐๐ก ๐๐ฎ๐ข๐ณ
๐๐๐ซ๐๐ฆ๐ฒ ๐๐๐ฌ๐ฉ๐๐ซ ๐๐ฆ๐๐๐ญ
Inang bayang kinamulatan buhat nu’ng kapanganakan
Pugad yaring kalungkutan at ng kaligayahan
Bagamat maraming dako ang nais paroonan
Sa piling Mo pa rin ang matatawag Kong tahanan
Wangis ng mga bundok ay mga haring nagtayuan
Dala ang mga puno at halaman na pawang luntian
Narito’y mga ilog at iba pang kaanyuan
Wari’y sagisag ng Kaniyang kagandahan
Kaniyang mga tanawin ay nakabibighani
Para bang lapis na gumuguhit ng ngiti sa’king labi
Ilog mong kay banayad at halamang sari-sari
Kinaaaliwan at hinahangaan ng nakararami
Oh bayan Kong ina, larawan ng pag-asa
Pugad ng pag-ibig at pagsasama-sama
Saโyo ako’y nangarap, saksi ang bawat tala
Karagdagang tagumpay nawa’y Iyong matamasa.
#PhotoOfTheWeek#Tahanan#BuhaySaNayon#Payapa#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride