Sisimulan na ngayong Lunes ang flood control project na aabot sa 𝐏𝟒𝟓,𝟎𝟎𝟎,𝟎𝟎𝟎 bilang handog ni 𝐂𝐨𝐧𝐠. 𝐌𝐚𝐫𝐥𝐲𝐧 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐢𝐜𝐢𝐚𝐬-𝐀𝐠𝐚𝐛𝐚𝐬 katuwang ang 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐖𝐨𝐫𝐤𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐇𝐢𝐠𝐡𝐰𝐚𝐲𝐬 (DPWH) sa Brgy. Fianza at sa buong San Nicolas.

Binisita ni Cong. Marlyn kasama sina 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐀𝐥𝐢𝐜𝐞, 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐄𝐧𝐠𝐫. 𝐌𝐚. 𝐕𝐞𝐧𝐮𝐬 𝐓𝐨𝐫𝐢𝐨, 𝐄𝐧𝐠𝐫. 𝐉𝐨𝐬𝐞 𝐖𝐢𝐥𝐬𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠𝐬𝐨𝐧𝐠, at 𝐄𝐧𝐠𝐫. 𝐈𝐦𝐞𝐫 𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬 ng DPWH ang project site na lalagyan ng gabion mattresses upang protektahan ang bed o ibabang pampang ng ilog laban sa pagguho o erosion.

Pinuri naman ni District Engr. Venus Torio ang pagiging dedicated, masigasig, at pursigido ni Cong. Marlyn na makuhaan ng pondo ang ika-anim na distrito tuwing may budget hearing sa kongreso lalo pa’t mahaba ang proseso nito ayon sa kongresista.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Alice at 𝐏𝐁 𝐋𝐚𝐜𝐬𝐨𝐧 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐢𝐭𝐚𝐨 hindi lang dahil sa napakalaking proyektong ito kundi dahil sa hindi na mabilang na proyektong ipinagkakaloob ni Cong. Marlyn para sa bayan ng San Nicolas.

Samantala, umapela ng tulong ang kongresista sa Fianza Barangay Council upang maging maayos ang implementasyon ng proyekto na aabot sa lima hanggang anim na buwan at hindi masayang ang pondo para rito.

#FloodControlProject#GabionsMattresses#ForverThankful#WeLoveYouCongMarlyn#CongresswomanMarlynPrimiciasAgabas#DepartmentOfPublicWorksAndHighways#TogetherWeServe#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon