Nakipagpulong si Mayor Alice kay Cong. Marlyn L Primicias-Agabas at sa mga kinatawan ng Philhealth na sina Ms. Lovelle Valenzuela at Ms. Rolinda Valdez, upang pag-usapan ang programang PhilHealth KonSulTa o Konsultasyong Sulit at Tama na layong makapagbigay na dekalidad na serbisyong medikal para sa lahat ng San Nicolanians.
Katuwang ng alkalde si Dr. Francis Subido, municipal health officer, na hangad ding mapabuti ang kalusugan at kagalingan ng mga San Nicolanian at makapagbigay ng pinakamahusay na pangangalaga sa buong bayan.
Kinikilala ang nasabing programa bilang pinalawak na benepisyo sa pangunahing pag-aalaga mula sa PhilHealth para sa lahat ng mga Pilipino na sumasaklaw sa malawak na hanay ng mga serbisyo, kasama ang primary care consultations, health screening and assessment, mga piling diagnostic services, at mahahalagang gamot.
Kasama din sa kanilang pinag-usapan ang e-Konsulta, diagnosis at corresponding results, maging ang pagbibigay ng prescribed at dispensed medicine.
#PhilhealthKonsulta#KonsultasyongSulitAtTama#EfficientHealthServices#ThankYouCongMarlyn#TogetherWeServe#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride