Dahil sa patuloy na pagpapaganda at pagpapanatili sa kaayusan ng Agpay Eco Park, mas lalo pang humanga si Mayor Alice sa dedikasyon ng Agpay Team na nagbibigay ng serbisyo para sa bayan ng San Nicolas.

β€œTuwing nagtutungo ako sa Agpay Eco Park, labis ang tuwang nararamdaman ko dahil masisikap at masisipag silang mga katuwang natin sa sektor ng turismo. Salamat, Agpay Team, dahil nandiyan kayo bilang kabalikat ng pamahalaang lokal ng San Nicolas,” ani Mayor Alice.

Sinamantala naman ng alkalde ang kaniyang pagbisita sa park upang makausap ang mga bisita at marinig ang kanilang positibong komento tungkol sa napakalaking improvement sa nasabing tourist destination.

β€œMasayang marinig mula mismo sa ating mga bisita at kababayan ang mga bagay na inaasahan nating mangyari sa Agpay Eco Park. Patunay ito na ginagawa natin nang tama ang ating mga plano para sa bayan,” pagtatapos ng alkalde.

#SalamatAgpayTeam#TourismVolunteerss#Dedication#Love#Service#AgpayEcoPark#SeeSanNicolas#SeePangasinan#LoveThePhilippines#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon