Dahil sa lumalalang kaso ng tuberculosis sa bansa, nakiisa ang pamahalaang lokal ng San Nicolas sa paglagda sa Pledge of Commitment at nangako ng kanilang suporta para wakasan ang TB sa komunidad sa paglulunsad ng Department of Health (DOH) – Health Promotion Community Playbook na pinamagatang “Time to Be Free! Sagutin ang TB Pledge Challenge! na may temang “Ituloy ang Bayanihan, TB ay Tuldukan” noong Marso 22, 2024.

Sumentro ang programang inilunsad ng Kagawaran ng Kalusugan sa pagbibigay ng kaalaman ukol sa tuberculosis, poster making, screening tests para sa TB at HIV, AT paglagda ng pledge of commitment na pinangunahan nina Assistant Regional Director Rodolfo Antonio M. Albornoz, EPDH Chief of Hospital Dr. Agnes Leored Rioflorido, Municipal Health Officer Dr. Francis Lawrence Subido, at Mayor Alice ang paglagda katuwang ang iba’t ibang sangay ng lipunan na nangangalaga sa kalusugan ng mamamayang San Nicolanians.

“Makaaasa ang Department of Health na paiigtingin pa natin ang mga programa sa ating bayan sa pangunguna ng Rural Health Unit of San Nicolas upang tuluyan nang mawakasan ang pagkalat ng tuberculosis,” ani Mayor Alice.

Naging bahagi rin ng aktibidad ang mga estudyante ng San Nicolas National High School na nagtagisan ng angking galing sa poster making contest.

Ang Pilipinas ay may ng tuberculosis (TB). Ang Pilipinas ang pang-apat na pinakamalaking kontribyutor ng mga kaso ng TB sa buong mundo na may 612,534 cases as of Disyembre 31, 2023.

#KonsulTayo#WorldTBFreeDay#TBFreePilipinasPledge#ItuloyAngBayanihan #TBAyTuldukan#DepartmentOfHealth

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon