Mula sa multifunction printer, laminating machine, at binding machine noong nakaraang taon, muli na namang nakatanggap ng biyaya ang Alternative Learning System (ALS) San Nicolas Districts 1 at 2 ngayong taonโdalawang laptop na magagamit ng mga guro sa paggawa ng reports at learning materials.
Malugod na tinanggap nina Principal Dominador M. Dulay at Teacher Joven E. Rapanot kasama ang mga guro ng ALS ang nasabing regalo bilang patunay ng walang sawang pagsuporta ng alkalde sa ALS.
Naniniwala si Mayor Alice na sa pamamagitan ng ALS, nabibigyan ng katuparan ang mga pangarap ng out-of-school youth, manggagawa, may kapansanan, dating rebelde, katutubo, at mga hindi nakapagtapos sa pag-aaral upang maging kapaki-pakinabang na miyembro ng komunidad at ng buong bansa.
#SupportToAlternativeLearningSystem#DepartmentOfEducation#OutOfSchoolYouths#Printer#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride