Dahil sa pagpapalakas sa moral at ispirituwal na aspeto ng San Nicolanians na kinikilala bilang malaking bahagi sa paghubog ng isang mas matatag at maunlad na komunidad, kinilala ng National Chaplains of the Philippines (NCP) sina Mayor Alice, Vice Mayor Alvin Bravo, PCapt. George Banayos, MSWD Officer Delia Dalutag, MLGOO Jose Agustin Jr., Police Inspt. Rogelio Quizon, at ABC Pres. Jayson Ramirez.
Sa isang maikling awarding ceremony, naghandog ng Certificate of Appreciation ang NCP para sa mga kawani ng gobyerno na naging katuwang ng probinsya at iba’t ibang religious sectors at organizations sa pagpapatupad ng Moral Recovery Program.
Pinangunahan nina NCP Municipal Director Ptr. Melchor Noynay, NCP Municipal Deputy Director Ptr. Pepe Suyat, at NCP Municipal Treasurer Amelia Luzano ang paggawad ng parangal sa mga katangi-tanging lingkod bayan ng San Nicolas.
#AppreciationToMayorAlice#MoralRecoveryProgram#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride