Tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang pamamahagi ng subsidiya sa mga magsasaka ng palay sa bayan ng San Nicolas bilang bahagi ng National Rice Program ng gobyerno kung kayaโ€™t nakatakdang makatanggap ang 1,111 farmer-beneficiaries ng Biofertilizer na nagkakahalaga ng Php1,500.00/ha.

Aabot sa Php 791,859.30 ang ipamamaging vouchers ngayong Mayo 9-10, 2024 na katumbas lamang ng 30% ng land area ngayong dry cropping season.

Binigyang-diin naman ni Engr. Cristopher Serquiรฑa na hindi lahat ay mabibigyan at tanging mga hindi nakatanggap noong nakaraang voucher distribution kasama ang farmers na bagamaโ€™t nabigyan na dati ng voucher ngunit may maliliit na area.

#Farmers#DepartmentofAgriculture#MunicipalAgricultureOffice#BioFertilizerVouchers#ParaSaMgaKuwalipikadongMagsasakaNgSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed