Dahil nagbigay na ng clearance ang Philippine Statistics Authority (PSA) para sa pagsasagawa ng 2024 Census of Population and Community-Based Monitoring System (CBMS), Barangay Profile Questionnaire Data Collection, at ang Listing of Service Facilities and Government Projects, mangangailangan sila ng Enumerators at Census Area Supervisors.
Para sa mga interesado, magpasa lamang ng duly accomplished and updated Personal Data Sheet, application letter addressed to Chief Statistical Specialist Edgar M. Norberte ng PSA Pangasinan Provincial Statistical Office, Calasiao, Pangasinan, kalakip ang Transcript of Record/ Diploma/ Certification of Highest Grade Completed.
Ang mga nagnanais na maging enumerators sa bayan ng San Nicolas ay maaari nang magpasa kay PESO Manager at CBMS Focal Person Atty. Charlene Lagua hanggang Mayo 24, 2024.
Ang pangongolekta ng datos ay isasagawa mula Hulyo hanggang Setyembre 2024 at ang resulta ng survey ay nakatakdang ilabas sa Disyembre 2024 hanggang Enero 2025.
Alinsunod dito, hinihimok ng PSA ang lahat ng barangay, lungsod, at munisipalidad na lumahok sa aktibidad na ito sa istatistika sa pamamagitan ng pagbibigay ng makatotohanang impormasyon.
#Census#PhilippineStatisticsAuthority#Enumerators#CensusAreaSupervisors#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride