Ngayong Martes, muling nagpakita ng nakahahawang energy si Mayor Alice sa kaniyang maghapong makabuluhang mgagawain.
Pinangunahan niya ang oryentasyon ng Sustainable Livelihood Program (SLP) mula kina Sen. Alan at Pia Cayetano sa 150 benepisyaryo na binubuo ng 34 TESDA graduates ng NC II Bread and Pastry, 48 vendors na may higit sa 10 taon na ang business permit, at 68 na 2019 4Ps graduates. Ang 34 remaining 4Ps graduates ay nakalinya sa susunod na SLP allocation sa bayan.
Hinikayat naman ng alkalde ang mga benepisyaryo na gamitin nang maayos at makabuluhan ang perang makukuha nila mula sa programang ito upang mapalago ang kanilang negosyo at magamit sa ikaaangat ng kanilang buhay.
Mula rito, nagtungo si Mayor Alice sa Leadership Training Seminar ng newly elected Local Youth Development Council leaders mula sa iba’t ibang eskuwelahan at nagbigay inspirasyon sa kanila upang maging huwarang kabataang lider sa kanilang kapuwa kabataan. Katuwang ng alkalde sa nasabing seminar sina Vice Mayor Alvin Bravo, Coun. Amorsolo Pulido, Coun. Jun Serquina, Coun. Pedrelito Bibat, Coun. Jairus Dulay, Coun.Leomar Saldivar, Coun. Queen Descargar, Coun. Kiko Bravo, at SK Federation Pres. Gian Jetrho Manansala.
Dumalaw din ang alkalde sa San Felipe Integrated School upang makapanayam ang 4Ps na Grade 11 students na sumailalim sa Youth Development Session sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development.
Mataas pa rin ang energy ng alkalde dahil nagsagawa pa siya ng market inspection upang masiguro ang kalinisan at kaayusan ng pamilihang bayan at dumalo pa sa sesyon ng Philippine Statistics Authority kung saan tinalakay ang paggamit ng code sa pagmonitor ng mga negosyo na layong mapataas ang revenue ng San Nicolas.
#MayorAliceInAction#PowerTuesday#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride