Kailian, mula sa datos ng PAGASA-DOST alas-5 ng umaga ngayong araw, ang sentro ng Tropical Storm Aghon ay namataan sa may karagatan ng Lucena City, Quezon at kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 30 kilometro bawat oras. Taglay ni Aghon ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras at pagbugso ng hanggang 90 kilometro bawat oras.

Bagaman hindi gaanong malakas ang bagyo, maaaring makaranas ng pabugsu-bugsong hangin at pag-ulan ang San Nicolas ngayong araw dahil sa epekto ng bagyong Aghon. Asahan din ang mga local thunderstorm sa mga susunod na araw partikular na tuwing pagsapit ng hapon. Samantala, ang Villa Verde Road ay nananatiling bukás at passable sa publiko.

Narito ang mga dapat tandaan ngayong may banta ng masamang panahon:

Manatili sa loob ng bahay at maging kalmado.

Ugaliing magdala ng payong o anumang panangga sa ulan kung lalabas ng bahay.

Ilagay ang mga alagang hayop sa mas ligtas na lugar.

Ihanda ang emergency light o kandila sakaling mawalan ng kuryente.

Umantabay sa mga ulat sa mass media at manatiling nakatutok sa 𝐒𝐚𝐧 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐥𝐚𝐬, 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬𝐢𝐧𝐚𝐧 𝐌𝐲 𝐇𝐨𝐦𝐞 𝐌𝐲 𝐏𝐫𝐢𝐝𝐞 para sa mga mahahalagang impormasyon ukol sa bagyo.

Alamin ang mga emergency/hotline numbers na maaaring tawagan.

𝐒𝐀𝐍 𝐍𝐈𝐂𝐎𝐋𝐀𝐒 𝐄𝐌𝐄𝐑𝐆𝐄𝐍𝐂𝐘 𝐇𝐎𝐓𝐋𝐈𝐍𝐄𝐒

𝐁𝐅𝐏— 0917-187-4611

𝐏𝐍𝐏— 0920-841-0437

𝐑𝐇𝐔— 0950-514-6686

𝐌𝐃𝐑𝐑𝐌𝐎— 0917-813-0141

𝐒𝐀𝐍𝐈𝐖𝐀𝐃— 0999-889-8987

𝐏𝐀𝐍𝐄𝐋𝐂𝐎 𝐈𝐈𝐈— 0933-815-4100

Kailian, stay alert at mag-ingat po tayong lahat.

#AghonPH#WeatherUpdate#WeatherUpdateToday#Prevent#Prepare#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon