Hindi na mangangamba ang mga residente ng Brgy. Dalumpinas sa gabi tuwing daraaan sila sa ilang bahagi ng kanilang lugar dahil mas ligtas at maliwanag na ito sa tulong ng sampung (10) bagong solar streetlights na handog ng pamahalaang lokal ng San Nicolas.

Bilang bahagi ng Green Initiatives ni Mayor Alice, sinikap ng alkalde na pondohan ang nasabing proyekto upang makapagbigay ng dagdag proteksyon sa mga residente mula sa anumang panganib o krimen lalo na sa madilim na bahagi ng lugar.

Nagpaabot naman si 𝐏𝐁 𝐉𝐮𝐚𝐧𝐢𝐭𝐨 𝐌𝐞𝐧𝐝𝐨𝐳𝐚 ng pasasalamat dahil tinugunan ng alkalde ang kahilingan ng kaniyang nasasakupan upang magkaroon aniya sila ng kapayapaan at kaligtasan anumang oras sila lumabas ng kanilang tahanan.

#BrgyDalumpinas#SolarStreetLights#BigPushForSolarEnergy#RenewableEnergy#GreenInitiatives#CostEfficient#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon