Bilang pag-alala at pagkilala sa mga bayaning nagsakripisyo para sa kasarinlan ng bansa, nagsagawa ang pamahalaang lokal ng San Nicolas ng flag raising at wreath-laying ceremony ngayong Hunyo 12.
Taglay ang temang, βKalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.β, ang kaganapan sa araw na ito ay sumasaklaw sa bagong tradisyon ng Bagong Pilipinas sa paggunita ika-126 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Pinangunahan ni Ptr. Melchor Noynay ang panalangin para sa bansang Pilipinas bago nag-alay ng mga bulaklak para sa magigiting na mga bayani ng bansa.
Dinaluhan nina Mayor Alice, Vice Mayor Alvin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ABC Pres. Jason Ramirez, IPMR Felixfrey Lorenzo, SK Federation Pres. Gian Jetrho Manansala, PCAPT George Banayos at ang San Nicolas Police Station, FINSP Rogelio Quizon Jr. at ang Bureau of Fire Protection, at ang criminology students ng PUNP-Tayug na nasa kanilang on-the-job training.
#Kalayaan#Kinabukasan#Kasaysayan#ArawNgKasarinlan#126thIndependenceDay#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride