Hindi maipinta ang galak sa mukha ng 168 na graduates ng Child Development Center at ng kanilang mga magulang sa bayan ng San Nicolas nang mismong si Mayor Alice ang bumati sa kanila sa kanilang Moving Up Ceremony ngayong Araw ng Kasarinlan.

Taglay ang temang, โ€œBatang ECCD Ang Galing, Kinabukasaโ€™y Tiyakin At Pagyamaninโ€, napuno ng mga tsikitรญng na nakasuot ng toga at nakahawak ng diploma mula sa 11 Child Development Centers ng San Nicolas na tumanggap ng regalong mga prutas, gulay, bigas, itlog, at frozen chicken bilang reward sa kanilang nakamit na tagumpay sa murang edad.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat at pagsuporta si Mayor Alice sa mga batang ECCD, kani-kanilang mga magulang at tagapangalaga, at sa lahat ng child development workers (CDWs) na naging kabahagi ng matagumpay na araw na ito. Nangako ang alkalde na susuportahan niya katuwang ang pamahalaang lokal ng San Nicolas ang mga pangarap ng mgabatang nagsipagtapos.

Tumanggap din ng parangal ang lahat ng CDWs na naglingkod ng limang taon at higit pa bilang pagkilala sa kanilang natatanging serbisyo at dedikasyon.

Nagpaabot din ng papuri si Mayor Alice kay MSWD Officer Delia Dalutag sa kaniyang pangunguna sa seremonyang ito na nagpapakita ng kaniyang kahusayan at dedikasyon sa trabaho para sa 11 Child Development Centers na naging bahagi ng okasyong ito:

Stargazer CDC (Poblacion East)

CDW: Laniefer Oceรฑa

Brgy. Capt: Josito Chad Serquiรฑa

Everlasting CDC (Sta. Maria East)

CDW: Robert Acenas

Brgy. Capt: Francisco Florentin

Rubia CDC (Sitio Talingkapor, Sta. Maria East)

CDW: Dina Acosta

Brgy. Capt: Francisco Florentin

Begonia CDC (Calaocan)

CDW: Noraly Paramio

Brgy. Capt: Murphy Estrada

Sampaguita CDC (Nining)

CDW: Nora Aquino

Brgy. Capt: Michael Pagal

Cattleya CDC (Sta. Maria west)

CDW: Arlena Pichay

Brgy. Capt: Cesario Ramirez

Waling-waling CDC (Sitio Sapinit, Fianza)

CDW: Clarita Alap

Brgy. Capt: Lacson Laguitao

Bougainvilla CDC (Sitio Cabaruan, Sta. Maria West)

CDW: Juvill Melchor

Brgy. Capt: Cesario Ramirez

Euphorbia CDC (Cabitnongan)

CDW: Loida Esquivel

Brgy. Capt: Alexander Calibozo

Dandelion CDC (Sitio Kulangew, Fianza)

CDW: Jucylin L. Atiw

BRGY. CAPT: Lacson C. Laguitao

Hyacinth CDC (Cacabugaoan)

CDW: Gloria M. Mayandoc

Brgy. Capt: Warlito R. Serquiลˆa

#ChildDevelopmentWorkers#MovingUpCeremony#CongratulationsKids#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon