Nangako si Mayor Alice na paiigtingin ang suporta ng pamahalaang lokal ng San Nicolas para sa pagpapaunlad ng palakasan sa bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal para sa mga atletang San Nicolanian.

Gaya na lamang nina Jhonel G. Descargar, coach ng menโ€™s volleyball; Edrian M. Descargar, Team 1 captain; Clark Gian A. Rodriguito ng Team 1; at Raven Genmae S. Gabatino ng womenโ€™s volleyball na sinuportahan ng alkalde para sa kanilang laban sa Inter-High School/Club Volleyball League Season 2.

Nahandugan din ng tulong pinansyal ang Brgy. Camangaan sa pamamagitan ni SK Chairperson Angio M. Balino para sa Camangaan Sports League 2024.

โ€œPatuloy kong hinihikayat ang mga atletang San Nicolanian na nangangailangan ng tulong pinansyal na magtungo sa aking opisina dahil nararapat lamang na tulungan ang mga kagaya nilang nagpupursigi at nagsisikap umukit ng pangalan sa larangan ng sports,โ€ ani Mayor Alice.

#FinancialSupportToAthletes#WeAreProudOfYou#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon