Nagpakita ng kaniyang suporta at pagmamahal sa paaralan at sa komunidad si Mayor Alice nang siya’y dumalo sa ika-50 taon ng pagkakatatag at ikalawang Grand Alumni Homecoming ng Cacabugaoan National High School.

Nakisaya rin sa pagdiriwang si Tayug Mayor Tyrone D. Agabas bilang kinatawan ni Congw. Marlyn L. Primicias-Agabas, na nagbigay ng inspirasyon sa lahat ng mga guro, mag-aaral, at alumni.

Kasama ring dumalo si Vice Mayor Alvin at ang municipal councilors na sina Amorsolo Pulido, Queen Descargar, Pedrelito Bibat, at Jairus Dulay na nangakong sa pamamagitan ng kanilang pagtutulungan, palalakasin pa nila ang edukasyon at patuloy na magbibigay ng tulong sa kanilang komunidiad.

Nagbigay rin ng sigla at inspirasyon sa lahat ng mga dumalo ang pangako ni Mayor Alice na kaniyang patuloy na susuportahan ang paaralan at ang barangay sa mga proyektong makapagpapabuti sa kanilang buhay.

“Nawa’y patuloy na umunlad at maging inspirasyon ang Cacabugaoan National High School sa mga susunod pang henerasyon,” ani Mayor Alice.

#MayorAlice#CacabugaoanNHS#50thFoundingAnniversary#GrandAlumniHomecoming#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon