Patuloy na naninindigan si Mayor Alice at ang Pamahalaang Lokal ng San Nicolas na ang Brgy. Malico ay bahagi ng San Nicolas, Pangasinan.

“Ang progreso at potensyal ng lugar na maging isang premier tourist destination sa bansa lalo pa’t naipaayos na ng probinsya ng Pangasinan ang mga daan patungo rito ang naging mitsa kung bakit nais itong sakupin ng Nueva Vizcaya,” ani Mayor Alice.

Dagdag pa niya, hindi sila papayag na agawin ang Malico sa San Nicolas, Pangasinan.

Suportado naman ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan kung kaya’t sa LINGAP Ed Barangay, ipinangako ni Gov. Ramon Guico III ang inisyal na P200 milyong pisong pondo sa patuloy na pagsasaayos sa Barangay Summer Capital ng Pangasinan.

“Kung gusto n’yo ang Malico, kaya n’yo bang ibigay ang naibigay ng Pangasinan?” hamon ng gobernador na nagsabing gagantihan ng maraming proyekto ang mga hakbang ng Nueva Vizcaya.

#MalicoIsOurs#MalicoSanNicolasPangasinan#BarangaySummerCapitalOfPangasinan#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon