Pormal nang pinasinayaan ni ๐๐จ๐ง๐ . ๐๐๐ซ๐ฅ๐ฒ๐ง ๐. ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ข๐๐ข๐๐ฌ-๐๐ ๐๐๐๐ฌ ang Angels Breath Child Development Center sa Brgy. Salpad noong Oktubre 12, 2023 upang agarang magamit bilang klasrum ng day care learners sa nasabing barangay.
Pinangunahan ni ๐๐๐ฏ. ๐ ๐ซ. ๐ ๐๐ซ๐ฅ๐๐ฒ ๐๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐จ ang pagbabasbas sa nasabing center sa inauguration at ribbon-cutting ceremony na dinaluhan nina Mayor Alice, Vice Mayor Alvin Bravo at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, barangay council ng Salpad sa pangunguna ni PB Danilo Serios, day care learners at kanilang mga magulang, at Teacher Reynaldo Alagano.




































โAlagaan nawa ninyo ang Angels Breath Child Development Center. Ariin ninyo itong para ninyong tahanan na iingatan, aalagaan, at ipagmamalasakit upang maayos na magamit ng mga bata ngayon maging sa mga susunod na henerasyon,โ ani Cong. Agabas.
Bahagi ang proyekto ng patuloy na pagpapaunlad ng ika-anim na Distrito ng Pangasinan sa programang pang-edukasyon upang mapunan ang kakulangan sa child development centers at mapababa ang repetition at drop-out rates dahil sa kalayuan ang centers sa tahanan ng mga mag-aaral.
โSa pamamagitan ng mga makabuluhang proyektong tulad nito ay tunay na nailalagay ng pamahalaan sa kapaki-pakinabang na gawain ang pondo ng gobyerno na nanggagaling din sa buwis ng mamamayan,โ pagtatapos ng kongresista.
#AngelsBreathChildDevelopmentCenter#Brgy. Salpad #Inauguration#RibbonCuttingCeremony#ThankYouCongressmanMarlynPrimiciasAgabas#ThankYouRevFrFarleyCastro#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride