Matagumpay na naidaos ang bloodletting activity ng LGU San Nicolas sa pakikipagtulungan ng Provincial Health Office. Isang malaking pasasalamat sa kabayanihan ng mga donors na walang pag-aatubili na nagbigay ng kanilang dugo upang makatulong sa mga nangangailangan.
Bilang pasasalamat sa kanilang dedikasyon at kabayanihan, pinagkalooban ng limang kilong bigas ang lahat ng successful donors. Isang munting tulong na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kanilang sakripisyo at pagmamalasakit sa kapwa.
Nagpapatuloy ang LGU San Nicolas sa pangunguna ni Mayor Alice sa kanilang mga adbokasiya at programa na naglalayong mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan nina Dr. Francis Lawrence Subido (Municipal Health Officer), Imee Mejica (Medtech), Harvin Cancino – Program Manager/Medtech, Rixa Gonzalo – Nurse/DRO, John Paul Ferrer – Nurse; Nielven Josh Pinlac, Steve Ico, Chasty Mae G. Gosilatar, Mary Rose Telford, Mariane Joyce Reyes –Medical Technologists; Ma. Adela Tiangson – Admin Aide/Encoder, at Ceferino Pandio Jr. Admin Aide/Support Staff.
Muli, isang malaking pasasalamat sa lahat ng mga nagbahagi ng kanilang dugo at sa lahat ng sumuporta sa tagumpay ng aktibidad na ito. Mabuhay po kayong lahat!
#BloodDonation#BloodDonor#SaveLives#SaveLivesTogether#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride