Bilang alkalde ng ating bayan, nais kong iparating ang aking taos-pusong pasasalamat sa Mata ng Masa Task Force (MMTF). Ang inyong dedikasyon at serbisyo sa ating komunidad ay tunay na nakabibilib at nakapagbibigay ng inspirasyon sa lahat.

Sa bawat araw na nagtatanim kayo ng mga puno, nag-aalok ng tulong sa mga nangangailangan, at nagbibigay ng seguridad sa ating mga kababayan, hindi maipagkakaila ang malaking bahagi’t kontribusyon ninyo at ang kahalagahan ng inyong mga kapuri-puring serbisyo sa ating bayan

Walang salita ang makatutumbas sa inyong walang sawang paglilingkod at dedikasyon. Patuloy nawa kayong gabayan at pagpalain ng Poong Maykapal sa lahat ng inyong mga gawain. Agyamanak! β€οΈπŸ™β˜ΊοΈ

#MMTF#Bayani#Pasasalamat

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon