𝐀𝐥𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐌𝐨𝐥𝐝𝐞𝐳

Nang araw na iyon, nangahas kang salatin ang langit nang hindi iniiwan ang lupa.

Tangan ang tungkod ng laksa-laksang paghihirap, nilampasan mo ang hanggahan ng ating mga pagkabigo at nilipad ang mga ulap nang buong pagsusumikap.

Nasa mga balikat mo man ang bigat ng ating kasaysayan, nasa mga bisig at paa mo naman ang lakas ng ating kinabukasan.

Nasalat mong tunay ang langit at mabunyi ritong isinabit ang bangis ng ating mga mithiin sa lupa.

Wala kang pagkukulang, dahil nang araw na iyon, lumipad ka para sa bawat isa sa aming ni hindi man lamang makalukso. Sapat na iyon.

#Paris2024#ParaKayEJObiena#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon