Hindi na makapaghintay ang mga residente na maisakatuparan ang 300-metrong Sto. Tomas- Old Calanutian Road sa tulong ng pamahalaang lokal ng San Nicolas na magbibigay daan sa isang panibagong road project ni Mayor Alice sa Brgy. Sto. Tomas na pinamumunuan ni 𝐏𝐁 𝐉𝐚𝐬𝐨𝐧 𝐑𝐚𝐦𝐢𝐫𝐞𝐳.
Dahil ito sa pagnanais ni Mayor Alice na maisaayos ang mga daan anumang sulok ng San Nicolas na isang paraan upang maiangat pa ang buhay ng mga San Nicolanian.
“Ang maayos na mga daan ay makatutulong upang mas mabilis na makapaghatid ng serbisyo ang mga residente, makarating ang mga kalakal sa merkado, at makapasok ang iba’t ibang oportunidad na dati’y nahahadlangan dahil sa hindi maayos na mga daan,” saad ni Mayor Alice.
Sa tulong ng Barangay Subsidy, nagkaroon din ng solar dryer pavement at solar powered streetlights ang nasabing barangay na lubos nang pinakikinabangan ng mga residente ngayon.
#MayoralVisits#BrgyStoTomas#Backfilling#ThankYouMayorAlice#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride