Itinuturing ni Head Teacher 𝘿𝙚𝙡𝙞𝙖 𝙋𝙖𝙙𝙞𝙡𝙡𝙤 si Mayor Alice bilang isang blessing dahil simula nang maupo ito bilang alkalde, napakarami nang proyekto ang dumating sa 𝙈𝙖𝙡𝙞𝙘𝙤 𝙀𝙡𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩𝙖𝙧𝙮 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡 na tunay ngang napakikinabangan ng komunidad.

Isa sa mga proyektong ito ay ang perimeter fence na may habang 36.5 metro at may taas na 2.40 metro na ininspeksyon ng alkalde upang matiyak ang maayos at matatag na pagkakagawa nito.

“Malayo man ang Malico sa bayan ngunit hindi namin kailanman naramdamang napag-iwanan ang Malico dahil bumubuhos ang mga proyekto mula sa pamahalaang lokal ng San Nicolas, salamat sa tulong ni Mayor Alice,” saad ni Padillo.

Nagbigay ang pamahalaang lokal ng San Nicolas ng hollow blocks, steel bars, tie wire, phenolic, coco lumber, cement, sand, at gravel upang mabilis na matapos ang proyektongmakatutulong sa seguridad at kaligtasan ng mga guro’t mag-aaral.

#PerimeterFence#MalicoElementarySchool#NoSchoolLeftBehind#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon