Mas lalo pang pinaigting ni Mayor Alice ang proteksyon at seguridad ng Sta. Maria Elementary School nang kaniyang pondohan ang konstruksyon ng perimeter fence para sa kapakanan ng mga mag-aaral, guro, at mga ari-arian ng paaralan.

Sa kaniyang pagbisita, nagpasalamat si Principal Ronald Nabong dahil bawat taon, pinopondohan ng alkalde ang mga proyektong tunay na kailangan ng kanilang paaralan tulad na lamang ng 13.5 metro kahaba at 2.5 metro kaluwang naperimeter fence.

Tugon naman ni Mayor Alice, “Ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral ay dapat palaging nasa priority list upang mas makapag-focus sila sa pag-aaral at hindi mag-alala sa mga potensyal na pinsala’t panganib sa labas ng bakuran ng paaralan.”

#PerimeterFence#StaMariaElementarySchool#SafetyAndSecurityOfLearners#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyhomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon