Napiling kinatawan ng Rehiyong Ilocos sa Palarong Pambansa 2023 ang dalawang San Nicolanians matapos umani ng gintong medalya sa lawn tennis at magpamalas ng hindi matatawarang husay sa nagdaang Region 1 Athletic Association Meet.

Sumabak at nakipagtunggali sa mga pinakamagagaling na batang atleta sa buong kapuluan sina 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚 𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥 𝐂𝐚𝐬𝐚𝐲𝐮𝐫𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐌𝐨𝐧𝐢𝐜𝐚 𝐌𝐚𝐲 𝐋𝐚𝐝𝐢𝐧𝐞𝐬 ng San Rafael Elementary School noong Hulyo 29 hanggang Agosto 5 sa Marikina, Metro Manila.

Dahil sa karangalang hatid nila sa bayan ng San Nicolas, nagpaabot ng tulong pinansiyal si Mayor Alice sa mga batang atleta nang bumisita sila bago ang laban sa kaniyang opisina kasama sina Public Schools District Supervisor Dr. Renato D. Umipig, Principal Darmer Hilda Aquino, at Coach Erlinda Valencia.

Pinuri ng alkalde ang dalawang lawn tennis players at pinasalamatan sila sa kanilang dedikasyon, determinasyon, at disiplina kung kaya’t nabigyan sila ng pagkakataong sumabak sa pinakamalaking paligsahang pampalaksan sa buong bansa.

Samantala, payo naman nina Casayuran at Ladines sa mga kagaya nilang bata pa lang nagsisimulang sumabak sa mundo ng sports, magkaroon ng disiplina, sumunod sa coach at magulang, at samahan lagi ang bawat laro ng tiwala sa sarili at tiwala sa Diyos.

#PrideOfSanNicolas#LawnTennisPlayers#BatangSanNicolanians#BatangMatibay#BatangMatatag#PalarongPambansa2023#Casayuran#Ladines#PrideOfSanRafaelElementarySchool#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon