Para mapabuti ang survival rate ng mga taong dumaranas ng cardiac arrest sa bawat barangay, sumailalim sa Hands-Only Cardiopulmonary Resuscitation (HCPR) Training ang 48 barangay health workers ng San Nicolas nito lamang Agosto 28.
Isinagawa ang nasabing pagsasanay ng DOH Region 1 sa tulongng Health Program Officers na sina Dean Cerezo at Ellaine Jucutan, katuwang ang LGU San Nicolas
“Ginagawa ang HCPR kapag ang isang tao ay inatake o inaatakesa puso. Kapag ang puso ay huminto sa pagtibok, magkukulangsa hangin na dumadaloy sa utak na maaaring magresulta sakaniyang pagkamatay,” saad ni Cerezo.
Dagdag naman ni Mayor Alice na ang kampanyang ito ay naglalayong buksan ang kamalayan at pataasin ang posibilidadng mga tao na magsagawa ng CPR sa isang emergency situationupang makapagsalba ng buhay ng tao.
#DepartmentofHealth#LGUSanNicolas#HealthMatters#HCPRTraining#SaveLives#EmergencySituations#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride