Nagdeklara si Gov. Ramon Guico III ng kanselasyon ng klase sa public at private schools sa lahat ng level bukas, Setyembre 17, dahil sa Tropical Depression Gener na pinalalakas ang Habagat sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Sa inilabas na Executive Order No. 0102, Series of 2024, binigyang diin ng gobernador na nasa pagpapasya ng local chief executives o company management kung kakanselahin nila ang trabaho sa kanilang mga tanggapan.

Samantala, patuloy namang nagpapaalala si Mayor Alice na mag-ingat at mapagmatyag ang lahat ng San Nicolanians, manatili sa kani-kanilang bahay kung kinakailangan, at maging alerto at informed sa mga kaganapan sa bayan at sa buong bansa.

Poster Courtesy of Province of Pangasinan

#WalangPasok#ProvinceOfPangasinan#GovMonMonGuicoIII#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon