Natanggap na ng mga buntis at ang mga may medical conditions na San Nicolanian ang kani-kanilang member data records at identification cards bilang bahagi ng programa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lokal ng San Nicolas.
“Pinahahalagahan natin ang kalusugan ng mga magiging ina at kanilang sanggol kaya naman inilapit natin at mas pinadali ang proseso ng pagpaparehistro upang sila ay agad na makagamit ng kinakailangang benepisyo,” saad ni Mayor Alice.
Dagdag pa ng alkalde na magagamit lang ang PhilHealth kapagconfined sa hospital ang pasyente ng more than 24 hours.
Ang mga buntis na hindi pa sakop ng PhilHealth ay pinapayuhan na kumuha sa RHU San Nicolas at magsumite ng natapos naPhilHealth Member Registration Form at anumang nagpapatunay ng pagbubuntis tulad ng medical certificate mula sa doktor/midwife, laboratory/ultrasound results o photocopy ng kanilang admission book.
Sa mandato nitong magbigay ng financial risk protection sa lahat, pinaalalahanan ng PhilHealth ang lahat ng mga magiging ina na hindi pa miyembro ng PhilHealth, na agad na magpatala sa National Health Insurance Program para awtomatikong maging kuwalipikado sa mga benepisyo.
#PhilHealth#PregnantWomen#MemberDataRecords#PhilHealthID#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride