Umabot sa 1,170 residente ng San Nicolas ang tumanggap ng kanilang payout sa emergency employment program na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD noong Setyembre 6.

Upang patuloy na umunlad at maibsan ang kahirapan ng vulnerable sectors sa bayan, tumanggap ang TUPAD workers ng Php 4,350 o 435 piso bawat araw sa patuloy na pagsisikap at suporta ng Department of Labor and Employment sa pangunguna nina Pres. Bongbong Marcos Jr. at Sec. Benny Laguesma katuwang sina House Speaker Martin Romualdez, Tingog Partylist, at Cong. Marlyn L. Primicias-Agabas.

Sa pamamagitan ng TUPAD, nagsagawa ang mga benepisyaryo ng iba’t ibang gawain sa loob ng sampung araw, kabilang ang pagkukumpuni at pagpapanatili ng mga pasilidad ng kanilang barangay, paglilinis at pagtatanim, pagtugon sa kalamidad, at mga pagsisikap sa rehabilitasyon.

Patuloy ang pagbibigay ng tulong ng gobyerno sa mga apektadong pamilya sa buong bansa sa pamamagitan ng TUPAD Program ng DOLE.

Photo Credit : Page of Marlyn “Len” Primicias-Agabas

#EmergencyEmploymentProgram#TulongPanghanapbuhay#DisadvantagedDisplacedWorkers#DOLE#TUPADProgram#ThankYouCongresswomanMarlynPrimiciasAgabas

#ThankYou#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon