Sa pamamagitan ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolks, and Families, nabigyan ng pinansyal na suporta at mga kagamitan ang mga San Nicolanian na naapektuhan ng El Niño phenomenon.

Tumanggap ng dalawang units ng net cage structures with cover at isang collapsible G.I. pipe floating cage frame ang apat na irrigators association— San Felipe West Irrigators Association sa pangunguna ni Eligio B. Padilla, C2 Ambayoan Irrigators Association sa pangunguna ni Rene Q. Jamandre, Ubbog iti Daya Irrigators Association sa pangunguna ni Jovencio O. Macayan, at SP2C Irrigators Association sa pangunguna ni Juanito Marzan.

Hinikayat ni Cong. Marlyn ang mga mangingisda na pag-ibayuhin ang kanilang paghahanap-buhay at gamitin nang maayos ang mga kagamitang ipinagkaloob sa kanila upang mas marami pang kita ang pumasok sa kanila. Siniguro rin ng kongresista na kaagapay nila ang kaniyang tanggapan sa mga proyektong makatutulong sa kanilang maiangat ang kanilang buhay.

#FishCages#LivelihoodProject#PresidentialAssistance#Famers#Fisherfolks#Families#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon