Upang mapagtibay ang kasanayan at mapalalim ang kaalaman ng bawat Barangay Health Worker sa pagbibigay ng tamang impormasyon tungkol sa kalusugan, maternal at child health, pagplaplano ng pamilya, at wastong pangangalaga sa mga may karamdaman, nagdaos ang Department of Health ng Basic Primary Health Care Training.
Inanyayahan ni Mayor Alice ang lahat na ibigay ang kanilang buong puso’t isipan sa pagsasanay na ito at ibahagi ang kanilang mga natutunan, sapagkat ito ay isang mabisang paraan upang mapanatiling ligtas at malusog ang kanilang mga kabarangay.
Umabot sa 116 newly registered BHWs mula sa mga bayan ng San Nicolas, Tayug, at San Quintin ang dumalo sa programang ito na pinangunahan ng Provincial Health Office. Ang mga tagapagsanay ay sina Jhonelyn D. Prado, Assistant Nutrition Program Manager; Lord Anthony S. Cagampangan, Assistant BHW Program Manager; Junalen Cabangon, Nurse 1/Rabies Control Manager; at Reynaldo Pinlac ng PHO Planning Training Unit.
#BasicHealthCareTrainingForBarangayHealthWorkers#KnowledgeUpgraded#KalusuganAyKayamanan
#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride