Naglakbay-aral ang 500 mag-aaral ng Tayug National High School sa Agpay Eco Park bilang bahagi ng kanilang Science Camp Eco Tour.

Sa pangunguna nina Tourism Officer Marc Angelu Victor, Gerald Paragas, Therese Ann Gabriel, at Kenneth Bulintao na nagsilbing tour guides, nilibot ng mga mag-aaral at kanilang mga guro ang Agpay Eco Park habang pinag-aaralan ang kasaysayan nito bilang isang sikat na tourist attraction noong 1980s hanggang sa bigyang buhay itong muli ni Mayor Alice at muling dayuhin ng maraming turista.

“Natutunan din ng mga mag-aaral ang iba’t ibang uri ng puno at hayop na mayroon sa lugar kasama na ang Tourism Office, swimming pool, fish pond, Airsoft Battlezone, mini amphitheater, hanging bridge, at ang inaabangang coffee shop sa park,” saad ni Teacher Mark Engelbert Dulay.

Naging interaktibo ang lakbay-aral lalo pa’t nagkaroon ng question and answer ang mga mag-aaral na mas nagpalawak pa sa kanilang kaalaman tungkol sa kanilang kapaligiran. Nagsagawa rin ng film showing sa huling bahagi ng eco tour upang mas mapalalim pa ang kanilang kaalaman sa Agpay Eco Park

Dagdag pa ni Dulay, “Higit kaming natuwa dahil naging at home kami at ang aming mga mag-aaral sa lugar dahil sa taglay nitong likas na mga yaman. Well recommended ang Agpay Eco Park bilang isang perfect destination for Lakbay-Aral.”

Ang Tayug National High School ang kauna-unahang naglakbay-aral sa Agpay Eco Park simula nang buksan ito sa publiko makalipas ang rehabilitation efforts na pinangunahan ni Mayor Alice.

Department of Tourism Region 1Province of PangasinanPangasinan TourismSan Nicolas, Pangasinan Tourism

#LakbayAralAgpay#TayugNHSHeritageTour#AgpayEcoPark#SeeSanNicolas#SeePangasinan#LoveThePhilippines#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon