Dumaan sa masusing validation ng Department of Labor and Employment Regional Office I (DOLE RO I) ang 105 San Nicolanians upang maging bahagi ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa tulong nina 𝐒𝐞𝐧. 𝐉𝐨𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐧𝐮𝐞𝐯𝐚 𝐚𝐭 𝐂𝐨𝐧𝐠. 𝐌𝐚𝐫𝐥𝐲𝐧 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐢𝐜𝐢𝐚𝐬-𝐀𝐠𝐚𝐛𝐚𝐬.

Sa tulong nina Kevin Brandon Lopez at Adrian Joyce Desierte, TUPAD coordinators ng DOLE RO I, sumalang ang mga residente sa validation na naglalayong makapagbigay ng emergency employment o magkaroon ng pagkakakitaan upang kahit papaano ay makabangon ang mga benepisyaryo sa krisis sa ekonomiya.

Sa TUPAD program, ang mga benepisyaryo ay nagsagawa ng iba’t ibang gawain sa loob ng sampung araw, kabilang ang pagkukumpuni at pagpapanatili ng mga pasilidad ng kanilang barangay, paglilinis at pagtatanim na mga hakbangin, pagtugon sa kalamidad, at mga pagsisikap sa rehabilitasyon.

#DOLE#TUPADProgram

#ThankYouCongresswomanMarlynPrimiciasAgabas

#SerbisyoANaimpusoan

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon