Walang maiiwan kay Cong. Marlyn.

Iyan ang pangako niya simula pa nang siya’y maging isang lingkod bayan kung kaya’t sa lahat ng kaniyang programa sa ika-anim na Distrito ng Pangasinan, sinisiguro niyang mabibiyayaan ang lahat tulad ng Brgy. Cabuloan na pinangungunahan ni PB Steve Cabacungan.

“Natuwa po kami dahil nakisaya sa amin si Cong. Marlyn. Nakipagsayawan, kantahan, kulitan, at kuwentuhan siya sa amin tulad nung dati. Malaki ang aming pasasalamat sa kaniya dahil hindi siya nagbago. Mapalad po ang San Nicolas dahil siya ang aming nag-iisang Congresswoman,” saad ni BHW Leader Mark Anthony A. Talinga.

Sa Handog ni Len, tumanggap ng food packs ang maraming pamilya lalong-lalo na ang mga nangangailangan. Nagbigay ito ng pag-asa sa lahat dahil totoong kay Cong. Marlyn sila’y may masasandalan at walang maiiwan.

#HandogNiLen#SerbisyoANaimpusoan#IkawPaRinCongMarlyn#CongresswomanMarlynPrimiciasAgabas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon