Upang mas mapanatiling ligtas at protektado ang mga mag-aaral at guro kasama na ang mga ari-arian ng Talingkapor Elementary School (TES), ipinagkaloob ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ang perimeter fence na kahilingan ng nasabing paaralan.

Ang bakod na may habang 75 metro at taas na 2.55 metro ay ang panibagong proyektong handog ni Mayor Alice sa buong komunidad ng TES.

Ayon kay 𝐆. πƒπ¨π¦π’π§πšππ¨π« 𝐏𝐫𝐚𝐝𝐨, dalubhasang guro ng nasabing paaralan, β€œHigit kailanman, ang seguridad at kaligtasan ng mga bata ay napakahalaga at kailangan silang protektahan sa lahat ng oras. Ang bagong proyekto ay indikasyon lamang ng marubdob na pagmamahal ni Mayor Alice sa mga batang ito.”

Sinegundahan naman ito ni Mayor Alice sa pamamagitan ng pagkilala sa paaralan bilang isang safe space ng mga bata bukod sa kanilang tahanan at pagsuporta na rin sa mga proyektong mas magpapaigting sa kaligtasan ng mga batang mag-aaral.

#TalingkaporElementarySchool#NewPerimeterFence#Security#Protection#SchoolAsSafeSpace

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon