Tuwing Sabado, ang Agpay Eco Park ay nagiging kanlungan ng pag-asa at kaligtasan para sa mga batang mag-aaral ng San Nicolas.

Sa ilalim ng programang pinangungunahan ng pamahalaang lokal ng San Nicolas, katuwang ang Survivalist Philippines at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, natututo ang mga kabataan ng mahahalagang kasanayan sa water survival at swimming.

Ang mga pagsasanay na ito ay nagbibigay ng kasanayan sa paglangoy at kaalaman sa tamang pagtugon sa mga sitwasyon ng sakuna kung kaya’t ang mga batang San Nicolanian ay nagiging mas handa at ligtas sa harap ng anumang panganib.

~𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐀𝐥𝐢𝐜𝐢𝐚 𝐋. 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐢𝐜𝐢𝐚𝐬-𝐄𝐧𝐫𝐢𝐪𝐮𝐞𝐳 ❤️

#WaterSurvivalTraining#SwimmingLesson#AgpayEcoPark#KaligtasanParaSaKabataan#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon