Sumailalim sa Basic Life Support Refresher Course ang mga punong barangay at miyembro ng Sangguniang Barangay, Sangguniang Kabataan, barangay health workers, at barangay tanod sa San Nicolas Training Center noong Oktubre 15 at 16.

Sa dalawang araw na pagsasanay, tinuruan ang mga kalahok ng pagbibigay ng pangunahing magagawang tulong, kalinga, at pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o karamdaman tulad ng animal, insect o snake bite, cardiopulmonary resuscitation sa mga bata’t matatanda, at first aid sa choking.

“Salamat sa pangunguna ni Sir Shallom Gideon Balolong at ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office dahil kailangang magkaroon ng pagsasanay ang mga lider sa mga barangay. Anumang sakuna o karamdaman, mahalaga ang pagsasagawa ng paunang lunas,” saad ni Mayor Alice.

#BasicFirstAidTraining#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon