Isang makabuluhang araw ang naganap sa Municipal Gymnasium ng Tayug, kung saan 2,000 benepisyaryo mula sa mga bayan ng Umingan, Sta. Maria, Natividad, at San Nicolas ang tumanggap ng P3,000 tulong pinansyal. Bilang inyong municipal mayor, ako po ay labis na nagpapasalamat kay 𝘾𝙤𝙣𝙜𝙬. 𝙈𝙖𝙧𝙡𝙮𝙣 𝙇. 𝙋𝙧𝙞𝙢𝙞𝙘𝙞𝙖𝙨-𝘼𝙜𝙖𝙗𝙖𝙨 sa kaniyang masigasig na pamumuno at dedikasyon na nagbigay-daan sa programang ito.

Partikular na nais kong iparating ang aming taos-pusong pasasalamat mula sa 321 benepisyaryo ng San Nicolas, mga kasapi ng San Nicolas Guardian Brotherhood Inc., na nakinabang sa pinansyal na suportang ito. Ang tulong na ito ay hindi lamang nagbigay ng agarang ayuda kundi naghatid din ng pag-asa at kaluwagan sa kanilang mga puso.

Ang AKAP Program na ito ay naging posible sa tulong ng ating mahal na 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙪𝙡𝙤 𝙁𝙚𝙧𝙙𝙞𝙣𝙖𝙣𝙙 “𝘽𝙤𝙣𝙜𝙗𝙤𝙣𝙜” 𝙈𝙖𝙧𝙘𝙤𝙨, 𝙃𝙤𝙪𝙨𝙚 𝙎𝙥𝙚𝙖𝙠𝙚𝙧 𝙈𝙖𝙧𝙩𝙞𝙣 𝙍𝙤𝙢𝙪𝙖𝙡𝙙𝙚𝙯, 𝙖𝙩 𝙣𝙜 𝘿𝙚𝙥𝙖𝙧𝙩𝙢𝙚𝙣𝙩 𝙤𝙛 𝙎𝙤𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙒𝙚𝙡𝙛𝙖𝙧𝙚 𝙖𝙣𝙙 𝘿𝙚𝙫𝙚𝙡𝙤𝙥𝙢𝙚𝙣𝙩. Ito ay isang patunay ng ating sama-samang pagtutulungan para sa kapakanan ng bawat Pilipino.

Maraming salamat sa lahat ng tumulong at patuloy na nagtatrabaho para sa ating mga kababayan. Sama-sama tayong magpatuloy sa pagtulong at pag-unlad! 🥰

~ Mayor Alicia L. Primicias-Enriquez ❤️

#AyudaParaSaKaposAngKitaProgram

#SalamatPoSaMainitNaAKAP

#SerbisyoANaimpusoan

#LenPrimiciasAgabas#TogetherWeServe

#CongresswomanMarlynPrimiciasAgabas

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon