Bagama’t inilabas ang Executive Order No. 0216, series of 2024, na nag-uutos ng suspensyon ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan, amin pong ipinaparating sa lahat ng ating kailian na magpapatuloy po ang operasyon ng Out-Patient Department ng Rural Health Unit of San Nicolas bukas, Oktubre 25.

Sa nasabing executive order, ang mga tanggapan ng pamahalaan na kasangkot sa pagbabawas at pamamahala sa panganib ng sakuna, kapayapaan at kaayusan, imprastraktura, kalusugan, at mga serbisyong panlipunan ay dapat magpanatili ng mga operasyon upang matiyak ang pagpapatuloy ng mga mahahalagang serbisyo.

Patuloy po kaming nagpapaalala sa lahat na mag-ingat, mag-antabay sa balita, at ipanalanging humina na ang bagyo upang hindi na ito makapaminsala pa.

~𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐀𝐥𝐢𝐜𝐢𝐚 𝐋. 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐢𝐜𝐢𝐚𝐬-𝐄𝐧𝐫𝐢𝐪𝐮𝐞𝐳

#KristinePH#PublicAdvisory#HealthServices#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon